Maglalagay ang Quezon City Government ng mas maraming bike ramps sa 40 footbridges upang mas maging bike-friendly ang lungsod.
Sa ngayon ay mayroong bike ramps sa Quezon Memorial Circle Underpass, gayundin sa dalawang footbridges sa Commonwealth Avenue sa PHILCOA, at UP Asian Institute of Tourism; sa Quezon Avenue sa Ninoy Aquino Parks and wildlife center; at katipunan avenue sa UP-town center.
Maliban dito, mag I install din ang QC LGU nang mahigit 200 concrete plant box barriers, upang mas maging maganda, ligtas at magsilbing ‘green’ upgrade sa plastic barriers na ginagamit bilang bike lane physical separators.
Hinimok naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente na magbisikleta upang maisulong ang eco-friendly na paraan ng transportasyon.