Nabakunahan na kontra COVID-19 si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Bagama’t bahagi ng A1 category ang Alkalde sa vaccination priority list, hinintay muna nito mabakunahan ang iba pang kabilang sa priority list.
Naturukan ng first dose ng Sinovac si belmonte sa vaccination site ng Ateneo.
Umaasa si Belmonte na sa kaniyang pagbabakuna ay mahikayat nito ang mga residente ng lungsod magpabakuna.
Samantala, nagbook si Belmonte ng kanyang vaccination appointment sa pamamagitan ng Ezconsult website kung saan nagpapabook ang mga ordinaryong residente ng Quezon City.