Nanguna ang Quezon City, Maynila at Cebu City sa may pinakamataas na krimen na naitala sa buong bansa sa unang quarter ng 2018.
Batay sa datos ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management mula nitong January hanggang April, aabot sa 12,000 krimen ang naitala sa Quezon City, 7,000 naman sa Maynila at 3,000 sa Cebu.
Ayon kay Senior Superintendent Noel Sandoval ng DIDM, kung malaki ang populasyon ng isang lugar malaki rin ang tiyansa na maraming krimen ang mangyari rito.
Nanguna naman ang Ormoc City sa may pinaka-kaunting krimen na naitala sa bilang na 134, sinundan ng Cotabato at Puerto Princesa na may tig-200 krimen.
Pero ayon kay Sandoval, hindi ibig sabihin ito na ang pinakaligtas na syudad sa bansa.
Maaari kasi aniyang hindi naireport ang nagyaring krimen o masipag ang mga pulis sa pagpigil sa kriminalidad sa mga naturang lugar.
—-