Nanguna ang Quezon City sa may pinakamaraming basura sa hanay ng mga syudad sa Metro Manila.
Batay sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), umabot sa 3,600 tonelada ng basura ang nagmumula sa Quezon City kada araw.
Sinusundan ito ng Maynila na nakakapag-generate ng mahigit sa 1,000 tonelada ng basura, Caloocan na may mahigit sa 900 tonelada, Parañaque City na may mahigit 600 tonelada at Makati City na halos 500 tonelada ng basura araw-araw.
Ayon kay DENR undersecretary Benny Antiporda, bukod sa napakalaki ng Quezon City, pinakamarami ring informal settlers ang nasa siyudad.