Pinalawak pa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang sakop ng kanilang libreng COVID-19 testing program.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, 17 community-based testing centers (CBTS) na ang sakop ng programa na matatagpuan mula District 1 hanggang 6 at sa QC Xperience (QCX) sa Quezon Memorial Circle.
Layon nitong mapabilis pa ang pagtukoy sa mga kaso at mapigilan ang pagkalat nito.
Bawat testing center ay mayroong swab boot na kayang tumanggap ng 100 hanggang 200 indibidwal kada araw.
Hindi pinapayagan ang walk-in kaya kailangang magparehistro online sa quezoncity.gov.ph. —sa panulat ni Abby Malanday