Posibleng maisama sa listahan ng areas of concern ng Commission on Elections o Comelec ang Quezon City ngayong darating na halalan.
Kasunod ito kaso ng pagpatay sa barangay chairman ng Bagong Silangan Quezon City at kumakandidatong kongresista na si Crisell Beltran at driver nitong si Melchor Salita.
Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, hindi nila isasailalim sa Comelec control ang Quezon City pero posible aniyang maisama ito sa areas of concern o mga lugar na oobserbahan ng mga otoridad.
Dagdag pa ni Jimenez, kanila nang ikinukunsiderang isama sa areas of concern ang lahat ng mga lugar na may naitalang kaso ng pagpatay sa mga politiko at ibang insidenteng may kinalaman sa karahasan ngayong halalan.
Sa ngayon, meron na aniyang 18 lugar sa bansa ang kabilang na sa listahan ng areas of concern ng Comelec.