Nasa very low risk classification na sa COVID-19 ang Quezon City.
Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, nasa 25 na lamang ang average na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw.
Ayon pa kay David, nakapagtala ang lungsod ng average daily attack rate (ADAR) na 0.79 sa kada 100,000 populasyon.
Naitala naman ang 0.23 na reproduction number at negative 22 percent na one-week growth rate ng mga kaso.
Sinabi pa ni David na ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay nasa 16 na porsyento ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila.