Walang plano ang National Capital Region Police Office o NCRPO na irekomendang isailalim sa election hotspot ang Quezon City.
Ayon kay Director Guillermo Eleazar, hepe ng PNP-NCRPO, isolated case lamang ang nangyaring pagpatay kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Criselle Beltran.
Sa katunayan ay hindi pa naman aniya kumpirmado kung konektado sa eleksyon ang pagpatay kay Beltran dahil iniimbestigahan pa ito.
Ipinaliwanag ni Eleazar na hindi na kailangan ideklarang election hotspot ang Quezon City dahil naka-full alert naman ngayon ang Philippine National Police.
—-