Magdamag na bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin sa Southern Quezon.
Pasado alas 2:00 kaninang madaling araw nang umapaw ang ilog sa barangay Sta. Cecilia sa Tagkawayan, Quezon kaya’t binaha ang ilang bahagi ng lugar kung saan pinasok din ng baha ang ilang bahay.
Binaha rin ang ilang lugar sa bayan ng bayan ng Lopez, sa Maharlika Highway sa Gumaca nagkaroon naman ng pagguho ng lupa at bato na kaagad nalinis ng lokal na pamahalaan.
Kanselado naman ang biyahe ng mga pampasaherong bangka patungo sa mga isla ng Alabat at Polillio samantalang may mga pasaherong stranded sa Atimonan Port at Real Port.
Nagpatuloy ang sama ng panahon hanggang kaninang umaga.