Isinailalim na sa state of emergency ang bayan ng Quezon sa lalawigan ng Palawan.
Ito ay matapos maitala ang pagkasawi ng apat katao dahil sa diarrhea outbreak sa nasabing bayan.
Batay sa report ang mga nasawi ay mga residente ng barangay Alfonso at Malatgao.
Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Quezon, ang diarrhea outbreak ay dulot ng kontaminadong inuming tubig sa nasabing bayan at nagsimula sa Barangay Pinaglabanan.
—-