Agad na nagsimula ng kanilang relief operations ang Quezon Province matapos na bahagyang humupa ang bagyong Tisoy.
Isa ang Quezon sa nakaranas ng matinding hagupit ng bagyo kung saan nakaranas ng hanggang apat na metrong taas ng storm surge ang coastal towns.
Ayon kay Quezon Governor Danilo Suarez, puwersahan na nilang inilikas ang ilang residente sa ilang coastal towns na nagpupumilit pa ring manatili sa kanilang tahanan.
Sinabi ni Suarez na umabot sa halos 40,000 katao o 14,000 pamilya ang kanilang inilikas bago pa man tumama sa kanila ang bagyong Tisoy.
Tiniyak ni Suarez ang sapat na relief goods para sa mga evacuees at iba pang biktima ng bagyo dahil napaghandaan na nila ito.
Samantala, ipina uubaya na ng gobernador sa mga LGU ang desisyon kung papayagan nang makabalik sa kani kanilang tahanan ang mga evacuees.
Sinabi ni Suarez na sa ngayon ay wala naman syang natatanggap na report na mayroong casualty sa kanilang lalawigan.
Patuloy naman ang assessment sa halaga ng mga pinsala.