Kinumpirma ng lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang probinsiya.
Ayon kay Quezon Provincial Health Officer Dr. Grace Santiago, isa itong 35 anyos na lalaki mula Lucena City.
Gayunman, hindi pa malinaw kung kasama na ito sa opisyal na bilang ng department of health na isang daan at apatnapung kaso ng COVID-19sa buong bansa.
Samantala sinabi ni Santiago na nasa 21 ang persons under investigation (PUI) sa Quezon kung saan pito ang nasa ospital pa, lima ang nadischarge na, dalawa ang natapos na ang home quarantine, limang kasalukuyang naka-home quarantine at isang nasawi.