Bukas na muli ang Quiapo church matapos ang dalawang linggong pagsailalim dito sa lockdown.
Matapos ang idinaos na misa na naka-live stream kaninang umaga, pinayagan na rin ang mga deboto na makapasok ng Quiapo church subalit 50 lamang kada batch ang uubrang pumasok at may tig-15 minutong dapat manatili sa loob.
Ang nasabing simbahan ay ini-lockdown matapos magpositibo ang isang paring bumisita lamang dito mula sa Cagayan De Oro City.
Nagnegatibo naman lahat ang 81 pari at empleyado ng simbahan na isinailalim sa rapid test.