Dinagsa ng mga magsisimba ang Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo sa unang Biyernes ng buwan matapos ibaba sa Alert level 2 ang National Capital Region (NCR).
Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infection Diseases o iatf-eid, 50% kapasidad o 500 katao ang papayagang makapasok sa nasabing simbahan.
Magugunitang, nagsimula ang Alert level 2 ngayon araw, Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21, 2021. —sa panulat ni Airiam Sancho