Hindi pa rin nagpatinag ang mga deboto ng itim na Nazareno sa Quiapo Maynila ngayong unang Biyernes ng buwan ng Setyembre.
Ito’y kahit ipinagbabawal pa rin ang religious practices ngayong nakapailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.
Kahit sarado ang simbahan ay tuloy-tuloy naman ang mga online mass na isinasagawa sa loob nito na makikita sa isang malaking screen sa Plaza Miranda.
Kaya naman todo higpit sa pagbabantay ang mga tauhan ng Manila Police District Station 3 para tiyaking nasusunod pa rin ang social distancing at iba pang health protocols.