Dumadalo sa bawat misa ang halos 2,000 deboto sa Quiapo Church ngayong first friday ng Marso, na unang Biyernes rin na nakababa na sa alert level 1 ang Metro Manila.
Gayunpaman, hinahanapan parin ng vaccination card ang mga deboto bago makapasok sa loob ng mismong simbahan.
Mayroon ding mga nakaabang rin na mga volunteers sa pinto ng simbahan upang mag-spray ng alcohol at i-check ang temperature.
Samantala, kahit pa nasa alert level 1 ay mayroon paring ilang patakaran na ipinapatupad ang simbahan upang masiguro na naoobserbahan ang health protocols. sa panulat ni Mara Valla