Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo church ang kahandaan sa pagbabalik ng pahalik sa Poong Nazareno.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, regular ang ginagawang sanitation sa mga pasilidad ng simbahan lalo na ang Poong Nazareno .
Sa ngayon, maaari nang hawakan ang imahe ng itim na nazareno matapos itong itigil noong March 2020 dahil sa covid-19 pandemic.
Mahigpit namang ipinagbabawal na halikan o ilapit ang ilong sa poon maging ang pagamit ng panyo upang maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit.
Panawagan naman ng simbahan sa mga deboto na patuloy na sumunod sa health protocols, upang magtuloy-tuloy na ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Black Nazarene. —sa panulat ni Abby Malanday