Pinayagan na ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagbabalik ng tradisyunal na pahalik sa Poong Itim na Nazareno.
Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene, regular ang sanitation sa mga pasilidad ng simbahan lalo sa poon.
Marso taong 2020 nang ipatigil ang pahalik dahil sa COVID-19 pandemic.
Ipinagbabawal naman halikan o ilapit ang ilong sa imahe, maging ang pagpahid ng panyo upang maiwasan ang posibleng hawaan ng sakit.
Samantala, nanawagan ang simbahan sa mga deboto na patuloy na sumunod sa health protocols, upang magtuloy-tuloy na ang tradisyunal na ‘pahalik’ sa Black Nazarene.