Mahigpit na ipinatutupad ang preventive measures sa Quiapo Church sa Maynila bilang pagiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
5:00 a.m. pa lamang ng madaling araw nang bumuhos na ang mga deboto ng itim na Nazareno para dumalo sa First Friday mas subalit 50 katao lamang ang pinayagang makapasok sa loob ng simbahan.
Sa Plaza Miranda ay makikita naman ang mahabang pila ng mga tao na gustong pumasok sa simbahan kung saan nakalagay ang yellow markings sa sahig para mapanatili ang physical distancing.
Ang mga Ihos Del Nazareno rin ang nagbabantay sa labas ng Quiapo para matiyak na nasusunod ang protocols ng simbahan kung saan bago pumasok ay dadaan sa temperature check para tiyaking walang lagnat ang mga ito.
Una nang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na papayagan na ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) subalit 50% lamang ng normal na bilang ng mga magsisimba ang maaaring pumasok.