Nagbukas na ngayong araw na ito ang pisikal na misa sa Quiapo church.
Sa gitna na rin ito nang pagsisimula ngayong araw na ito nang pagsailalim sa Metro Manila sa GCQ – alert level 4.
Pinayagang makapasok sa loob ng simbahan ang 200 katao o 10% lamang ng indoor capacity, na kailangang magpakita ng vaccination card o kopya nito bilang patunay na naturukan na kontra COVID-19.
Samantala, 300 deboto naman ang pinayagang tumayo sa harap ng simbahan o sa Plaza Miranda para makinig sa misa.