Nagpaalala ang simbahan ng Quiapo sa bagong guidelines sa paggunita ng Ash Wednesday, bukas, ika-26 ng Pebrero.
Sa ilalim ng bagong guidelines, hindi na ipapahid sa noo ang abo kundi ibubudbod ng bahagya sa ulo o sa bahagi ng bumbunan.
Ipinabatid rin ng simbahan ng Quiapo na magkakaroon ng misa kada oras mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-12:15 at alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng umaga.
Ang Ash Wednesday ang hudyat ng pagsisimula ng kwaresma na tatagal ng 40-araw.
Nagpaalala ang simbahan na sa panahon ng kwaresma ay inoobserbahan ang pangungumpisal, pagkakawanggawa, pagbabawas ng pagkain, pagdarasal at penitensya. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)