Pansamantalang sarado sa publiko ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilalang Quiapo Church simula ngayong araw, Enero 3 hanggang 6.
Ayon kay Rev. Fr. Douglas Badong, ang desisyon na isara ang simbahan ay bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito ay bahagi aniya ng kanilang pakikiisa upang maiwasan ang paglaganap ng virus at makapagbigay daan na rin sa isasagawang disinfection sa simbahan bilang paghahanda sa Translacion 2022.
Sinabi naman ni Fr. Badong na muling bubuksan ang simbahan sa Enero 7.