Hinikayat ng pamunuan ng Basilika Minore ng Poong Itim na Nazareno sa Quiapo ang mga deboto na manatili na lamang sa bahay at makiisa na lamang sa mga misa via online.
Ito’y upang maiwasan ang pagkakaroon ng super spreader ng COVID-19 dahil sa inaasahang dagsa ng mga deboto sa simbahan ng Quiapo kasabay ng paggunita sa tradisyunal na Traslacion ngayong taon.
Gayunman, ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo church, kanilang hiniling sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagang makapasok sa loob ng simbahan ang 50% kapasidad nito.
Ayon sa Pari, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming deboto na makadalo sa mga ikinasa nilang misa kaalinsabay ng okasyon.
Giit pa ni Fr. Badong, kakayanin namang panatilihin ang social distancing sa loob ng simbahan kahit itaas pa sa 50% kapasidad ang papayagang makapasok.