Hawak na ng MPD o Manila Police District ang Army reservist na bumaril at nakapatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila.
Magugunitang naaresto sa Masbate City kahapon ng tanghali si Vhon Martin Tanto, apat na araw matapos ang shooting incident noong Lunes ng gabi.
Matapos ang police booking, sumalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) si Tanto.
Press conference
Iniharap na sa media ang Army reservist na bumaril at nakapatay sa siklistang si Mark Vincent Garalde sa Quiapo, Maynila noong Lunes ng gabi.
Binigyang diin ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na malaking bagay ang mga CCTV camera para makilala at mapanagot sa krimen si Vhon Martin Tanto.
Bukod ditto, kinilala rin ni Dela Rosa ang tulong ng media at maging ng social media at maging ang reward laban kay Tanto para maging aware ang publiko sa nasabing krimen.
Sinabi pa ni dela Rosa na kung batid ng lahat ang road courtesy at pagiging mapag-pasensya ay naiwasan sana ang naturang insidente.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Tila inasar pa ni PNP Chief Bato si Tanto.
Aniya tuturuan niya kung paano magbitiw ng magandang suntok si Tanto.
Sinasabing binaril ni Tanto ang siklistang si Mark Vincent Garalde nang mapikon umano at matalo sa suntukan nila ng biktima.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Justice
Tiniyak ng PAO o Public Attorney’s Office na makukuha ng pamilya Garalde ang hustisya sa pagkakapaslang sa siklistang si Mark Vincent Garalde.
Sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na tutulong sila sa pamilya ni Garalde na unang lumapit sa PAO para humingi ng legal assistance.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Atty. Persida Acosta
Pinuri naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga awtoridad na nakahuli kay Vhon Martin Tanto.
Sinabi ni Aguirre na bahagi ng marching order sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang buong puwersa ng kagawaran para maresolba ang problema sa korupsyon, droga at heinous crime kung saan nabibilang ang nasabing insidente.
Ipinaabot din ni Aguirre ang pagsisimula niya ng fund raising para sa pamilya Garalde at maging sa tinamaan ng ligaw na bala sa naturang krimen.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)
Photo Credit: Rappler