Handa ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na harapin ang anomang alegasyon laban sa kanya.
Kasunod ito ng raid na isinagawa sa simbahan ni Quiboloy sa Amerika kung saan inaresto ang 3 mga lider nito dahil sa kasong human trafficking.
Ayon kay Atty. Israelito Torreon, abogado ni Quiboloy, handa silang humarap sa korte para patunayan na inosente sila sa mga akusasyon.
Naniniwala si Torreon na ginagawa lamang ito ng mga dating miyembro ng kingdom para hiyain si Quiboloy.
Idinipensa ng kampo ni Quiboloy na nagpapakalat lamang ng mabuting balita ang mga inarestong administrators at naghahanda na ang kanilang mga abogado para idipensa ang mga ito.