Binalaan ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy ang publiko na tigilan na ang pangungutya, pag-uusig, at pananakit sa kanya dahil kung hindi ay matindi pa ang dadanasing pandemya ng sangkatauhan.
Sa isang livestream sa YouTube, sinabi ni Quiboloy na ang bagong Omicron COVID-19 variant ay resulta ng kasong isinampa sa kanya sa US, dahil umano sa sex trafficking.
Sinabi pa ni Quiboloy na umpisa pa lang ng mga paparating na parusa sa mga tao ang Delta variant.
Kilalang malapit na kaibigan at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte si Quiboloy at itinuturing na ‘Appointed Son of God’ sa the Kingdom of Jesus Christ. —sa panulat ni Hya Ludivico