Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos jr. na naubos na ang quick response fund ng pamahalaan dahil sa dami ng dumaang bagyo.
Dahil dito, inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Budget and Management na tugunan ang mga pangangailangan ng bawat ahensiya.
Ayon kay PBBM, dapat may magamit ang gobyerno pagdating sa disaster response o mahuhugot sa mga susunod pang kalamidad.
Nagtabi na rin aniya sila ng pondo para lagyan ang QRF para sa mga mangangailangang local government units.
Pinadali na rin ang proseso para mas mabilis na ma-access ng mga LGU ang pondo ng NDRRMC.