Iimbestigahan na ng Quinta Committee ng Kamara ang mga sinasabing cartel sa karneng baboy, manok at gulay.
Ayon kay Quinta Comm Chairman Joey Salceda, ikakasa nila ito sa pagbabalik-sesyon ng Kongreso ngayong linggo.
Sa datos ng Food and Agriculture Organization, iginiit ng bicolano solon na nasa 427 hanggang 500 dollars lamang ang kada metriko tonelada ng bigas sa global market, kaya’t dapat ay nasa 34 hanggang 36 pesos lamang ang bentahan nito kada kilo.
Kumbinsido ang Kongresista na isa sa pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyo ng bigas ay ang overpricing ng mga supermarket na pumapatak sa 70 pesos kada kilo. – Sa panulat ni Laica Cuevas