Kinatigan ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang quo warranto petition na isinampa laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa kanyang binasang desisyon, ipinabatid ni Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te na 8-6 ang boto pabor sa nasabing petisyon na naglalayong mabalewala ang appointment ni Sereno bilang Punong Mahistrado.
Kabilang sa mga bumoto para sa nasabing petisyon na isinampa ni Solicitor General Jose Calida sina Associate Justices Noel Tijam na siyang nagponente sa desisyon, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Samuel Martirez, Alexander Gesmundo, Francis Jardeleza, Teresita Leonardo-De Castro at Andres Reyes.
Kumontra naman sa naturang petisyon sina Senior Associate Justices Antonio Carpio, Presbitero Velasco, Marvic Leonen, Estela Perlas-Bernabe, Benjamin Caguioa at Mariano del Castillo,
Dahil sa nasabing desisyon, idinideklarang bakante ang puwesto ng Punong Mahistrado.
May sampung araw si Sereno para umapela sa nasabing desisyon matapos matanggap ang opisyal na desisyon ng Korte Suprema.
Magugunitang si sereno ay bumalik na sa trabaho kahapon matapos ang dalawang buwang wellness leave at pinangunahan kaninang umaga ang en banc session bagamat dumistansya sa deliberasyon sa nasabing quo warranto petition.
LOOK: File document released by SC PIO re: quo warranto decision vs. Sereno pic.twitter.com/x26Z3rVsAf
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 11, 2018
(Ulat ni Bert Mozo)