Pinabulaanan muli ng Philippine National Police ang mga ulat na mayroong ipinatupad na quota system sa pagpatay o pag-aresto ng pulisya hinggil sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, wala siyang maaalala kaugnay sa nasabing usapin kahit pa nuong siya pa lamang ay station chief sa kasagsagan ng Oplan Double Barrel.
Bukod pa rito, hindi rin anya siya nakatanggap ng kautusan na may quota sa pag-aresto at pagpatay sa mga drug suspects.
Nagpahiwatig naman si BGen. Fajardo na karamihan sa mga pulis na nasa estasyon ay nais magpa-impress sa mga superiors nito.
Gayunman, ipinunto ng PNP official na kinakailangan nilang magsumite ng mga ulat hinggil sa bilang ng kabahayan na kanilang bibisitahin, pati na rin ang mga drug pusher at mga user na kanilang binisita bunsod ng pagpapatupad ng Oplan Double Barrel.