Bubuksan na ang Radial Road Ten o R-10 na may 12 lane ngayong Enero 12 (ng umaga).
Ayon sa panayam ng DWIZ sa programang Balita Na Serbisyo Pa kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Karen Jimeno, ang R-10 ay may 6 na lane sa bawat panig mula Manila Port area hanggang Caloocan, Monumento, Quezon City, at maging hanggang North Luzon expressway.
Sa mga manggagaling sa Maynila, magagamit ang daang ito sa halip na EDSA o C5 at inaasahan aniyang magbibigay-ginhawa ito sa mga motorista.
Aniya, nasa P100 Milyon ang nagastos simula sa simula ng kontruksyon hanggang matapos ang nabanggit na bubuksang kalsada.
Tiniyak naman ni Jimeno na na-relocate nang maayos ang may 3,000 pamilyang informal settlers na naapektuhan sa pagpapagawa ng nasabing daanan.
Samantala, sinabi ni Jimeno na sisimulan na umano ang proyekto sa connection road ng SLEX at NLEX sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
By: Avee Devierte / Race Perez
Credits to SerbizyongIZ ng Balita Na Serbisyo Pa program of DWIZ na mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi kasama sina Jun Del Rosario at Mariboy Ysibido