Sumadsad pa sa 0.50 ang COVID-19 reproduction number o antas ng hawaan ng isang kaso sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA research fellow doctor Guido David, ito ay dahil bumagal ang downward trend sa nakalipas na apat na araw.
Sinabi rin niya na nakapagtala ng lowest COVID-19 cases ang Metro Manila na 2, 256 nitong Biyernes, Enero 28 kung saan ito aniya ang pinamababa simula noong Disyembre 31, 2021.
Maliban dito, bumaba rin ang seven-day positivity rate ng rehiyon sa 21% habang ang one-week growth rate naman ay -69%.
Samantala, pinaalalahanan ni David ang publiko na patuloy na sumunod sa health and safety protocols.—sa panulat ni Airiam Sancho