Inirampa ng pambato ng bansa para sa Miss Universe 2020, na si Rabiya Mateo ang national costume na hango sa bandila ng Pilipinas.
Ang tubong Iloilo na kandidata ay ‘standout’ sa suot nitong ala-victoria secret model na malalaking pakpak na kulay asul at pula na mayroong tatlong bituin na katulad sa bandila ng bansa.
Ang naturang national costume ay gawa ng yumaong designer na si Rocky Gathercole.
Sa ipinakitang backstage interview kay Rabiya, feeling aniya isa s’yang victoria’s secret model at para aniya siyang lilipad sa suot na costume.
Samantala, ayon kay dating Miss Universe Philippines 3rd runner up Shamcey Supsup, hindi sinuot ni Rabiya ang kanyang head dress dahil nahuhulog ito sa ulo ng kandidata at mahihirapan lamang ito.
Ang importante aniya ay komportable ito at nakapagbigay naman si Rabiya ng “powerful performance” sa naganap na national costume show sa 69th Miss Universe.