Mayroon ng sariling Volleyball Camp ang Queen Tamaraw na si Rachel Anne Daquis bukod pa sa paglalaro ng Volleyball sa Cignal HD Spikers.
Ibinahagi ni Daquis sa kanyang Facebook page na ‘Rad Sports Development’ ang kuha sa unang araw ng Volleyball Camp kung saan maraming manlalaro ang nakilahok.
Ginanap ang Camp ni Daquis sa Central Colleges Philippines na kung saan dumalo rin ang kapitana ng HD Spikers. —sa panulat ni Jenn Patrolla