Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Rachelle Ann Go sa pagtatapos ng musical show na Les Miserables ngayong linggo sa Maynila.
Nabatid na hanggang ngayong linggo na lamang tatakbo ang Les Mis kung saan gumaganap si Rachelle Ann bilang Fantine, isa sa mga pangunahing karakter sa nasabing musical show.
Ayon kay Rachelle Ann kapag natapos na ang Manila run ng show ay babalik na siya ng London at mami-miss na naman niya ang kaniyang pamilya pero masaya rin dahil naibahagi naman aniya niya sa mga kapwa Pilipino ang pagganap niya sa nasabing musical show.
Samantala labis na nagpasalamat si Rachelle Ann sa natupad na dream house kung saan nakalipat na ang kanilang pamilya.
Kasabay nito, bukod sa pagpapasalamat sa lahat ng mga Pilipinong nanood at manunuod pa ng kaniyang show, nag-thank you rin si Rachelle Ann sa itinuturing niya pinakamalalapit na kaibigan sa showbiz na sina Regine Velasquez at Sarah Geronimo.
By Judith Larino
Photo Credit: broadwayworld.com