Kinumpirma na ng theater actress na si Rachelle Ann Go ang kanyang relasyon sa New York-based executive na si Martin Spies.
Sa Instagram post ni Rachelle ay inilarawan niya ang nobyo na isang “godly man.”
“Look for a man who will not just patiently wait for you after work, carry your bag because he knows you’re tired, treat you like a queen, make you laugh constantly, but also puts God first and pray for/with you. If he loves God first, he will also honor and respect you all the days of her life!”
Isa mga nagbigay reaksyon sa kanyang post ay ang kapwa theater star na si Lea Salonga na nagsabing: “Uwian na, mga bes, may nanalo na!”
Una nang naging usap-usapan ang relasyon ni Rachelle kay Martin matapos na mag-post ang dalaga ng sweet photo nila ng huli.
Napag-alamang si Martin ay nagtatrabaho bilang general manager ng American luxury fitness club na Equinox.
AR/ DWIZ 882