Nagsimula na ang China sa kanilang emergency monitoring ng radiation sa border nito kasunod ng pinakabagong nuclear testing na isinagawa ng North Korea.
Ayon sa Chinese Enviroment Ministry, layon ng naturang pagkilos na imonitor kung nagkaroon ng radiation sa lugar matapos ang testing ng Pyongyang.
Habang nanatili naman sa alert level 2 ang emergency response na China.
Naging malawak ang pinahuling nuclear testing ng NoKor kung saan naramdaman pa ang pagyanig ng mga residenteng Chinese na naninirahan ilang kilometro mula sa hilagang bahagi ng border.
By Rianne Briones