Nanganganib lumaganap ang radikalisasyon sa Mindanao sa oras na hindi makuntento ang mga mamamayan ng Marawi City sa isinasagawang rehabilitasyon sa kanilang lungsod.
Ito ang ibinabala ng terrorism expert na si Sidney Jones, director ng Jakarta-based institute for policy analysis of conflict.
Ayon kay Jones, ang mga anak at kapatid ng mga napatay na miyembro ng Maute-ISIS ang maaaring umusbong bilang bagong henerasyon ng mga Mujahedeen o holy warrior.
Dapat anyang tutukan ng maigi ang pagbangon ng Marawi upang maiwasan ang pagkadismaya ng mga residenteng lubhang naapektuhan ng limang buwang bakbakan.
Mahigit isanlibo ang napatay sa sagupaan at karamihan o nasa siyamnaraan sa mga ito ay miyembro ng Maute-ISIS.