Napatumba ng bagyong Rolly ang mga poste ng kuryente at ilang cell towers sa Catanduanes dahilan upang mawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng bayan at mawalan ng linya ng komunikasyon.
Bunsod nito, upang magkaroon ng ugnayan ang National Disater Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes tanging radio and satellite phones lamang ang gamit ng ahensya upang magkaroon ng komunikasyon sa naturang bayan.
Ayon kay NDRRMC,Spokesperson Mark Timbal limitado ang lokal na komunikasyon doon sa ngayon at umaasa ahrnsya na maayos nilang matutugunan ang pangangailangan ng bayan sa oras na magpatuloy ang pagbuti ng panahon.— sa panulat ni Agustina Nolasco