Patay ang isang radio news anchor matapos na barilin ng mga hindi kilalang salarin sa Kidapawan City.
Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines, papauwi na sa kanyang tahanan si Eduardo “Ed” Dizon ng 97.5 Brigada News FM nang pagbabarilin ng dalawang lalaking magka angkas sa motorsiklo pasado alas-10 kagabi.
Agad ding nasawi ang biktima dahil sa limang tama ng bala sa kanyang katawan.
Dating station manager ng naturang istasyon si Dizon at kilala sa kanyang programa na Tira Brigada.