Pinagbabaril ang istasyon ng Bombo Radyo sa General Santos City.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na pasado 8:30 kagabi nang paulanan ng bala ng isang suspek sakay ng pulang pickup truck ang Bombo Radyo GenSan Broadcast Center.
Ayon sa mga gwardya, galing ang sasakyan sa direksyon ng GenSanVille Subdivision bago duman sa istasyon at magpaulan ng bala ang driver nito.
Ipinabatid ng Bombo Radyo na tinamaan ng bala ang entrance ng broadcast center na tumagos sa recording room kung saan nArekober ag isang basyo ng bla ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
Wala namang nasaktan sa mga empleyado ng himpilan.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insidente.
with report from Net Ortiz (General Santos Correspondent)