Posibleng magdulot ng radiation ang pagsasagawa muli ng nuclear test ng North Korea.
Kasunod na din ito ng pag-aaral ng meteorologists mula sa South Korea.
Bukod sa leak ng radioactive material, maaari ding gumuho ang mga bundok sa testing site ng NoKor.
Posibleng din maging malalim ang puwang sa ilalim ng Mount Mantap na nasa kanilang test site sa Punggye-ri.
Naniniwala din ang experts na ang mga unstable faults sa kasagsagan ng tests ang dahilan ng pagyanig.
Magugunitang nagkaroon ng natural earthquake sa lugar matapos ang ika-anim na nuclear test ng NoKor noong Setyembre.