Kasalukuyang nasa Pilipinas ang The King of Clay at World Number 5 tennis star na si Rafael Nadal.
Ito’y para sa gagawing 2nd International Premier Tennis League na nagsimula kahapon.
Bukod sa nasabing liga, inihayag din ni Nadal na plano rin niyang magtayo ng isang tennis school para sa kabataang Pinoy.
Maliban kay Nadal, nasa bansa rin si Women’s Singles World Number 1 na si Serena Williams na ikalawang beses maglalaro sa ilalim ng Philippine Mavericks.
By Jaymark Dagala
*Photo Credit: AP/File Photos