Sumadsad sa top 6ng ATP rankings ang Spanish Tennis Superstar na si Rafael Nadal.
Hindi nakapaglaro si Nadal simula nang matalo kay Novak Djokovic ng Serbia sa French Open Semi-Finals dahil sa foot injury kaya’t nabigong makapag-ipon ng overall points upang umusad sa ATP rankings.
Napanatili naman ni Djokovic ang number one spot sa kabila ng kanyang pagkatalo sa 2nd rank na si Daniil Medvedev ng Russia sa US open final, noong linggo.
Samantala, pasok sa ikatlong pwesto si Stefanos Tsitsipas ng Greece; Alexander Zverev ng Germany sa 4th spot; Andrey Rublev ng Russia sa 5th spot;
Matteo Berrettini ng Italy sa 7th spot; Dominic Thiem ng Austria sa 8th spot; Roger Federer ng Switzerland sa 9th spot at Casper Ruud ng Norway sa top 10. —sa panulat ni Drew Nacino