Umatras na si Tennis Star Player Rafael Nadal sa Brisbane International.
Ito ay upang tutukan ang paghahanda sa Australian Open na magiging kauna-unahang laban niya matapos magpahinga dahil sa injury sa tuhod.
Ayon kay Nadal, umaasa siyang makukuha ang tropeo sa Australian Open at kung sakali ay kanyang ika-17 major titles.
Magugunitang dahil sa kanyang knee injury, napilitan si Nadal na huwag nang ituloy ang kanyang laban sa US Open Semifinals noong nakaraang Setyembre.
Nakatakdang magsimula ang Australian Open sa January 14 sa Melbourne Park.