Pinaiimbestigahan ng Makabayan bloc sa kamara ang kasalukuyang proseso sa pag-raffle ng mga pangalan ng mga kuwalipikadong partylist na sasabak sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa Makabayan Congressmen, kung dati anila ay pre- allocated na sa balota ang pangalan ng mga partylist na nagsisimula sa numero uno o letter a, magiging random na ito sa ilalim ng kasalukuyang sistema.
Ibig sabihin, nakabase lamang sa numero at hindi na sa pangalan gayundin sa plataporma ang pagboto sa mga partylist group.
Kaya naman, nagkakaisang inihayag ng mga mambabatas na mariin nilang tinututulan ang inilabas na resolusyon ng COMELEC dahil tiyak na magiging disadvantegeous ito para sa mga kandidato ng partylist.