Ipinag-utos na ng Muntinlupa RTC o Regional Trial Court ang pag-detain kay dating Bureau of Corrections (BuCor) OIC Rafael Ragos sa National Bureau of Investigation (NBI).
Kasunod ito nang pagpresinta ng NBI kay Ragos sa sala ni Muntinlupa RTC Judge Juanita Guerrero na siyang nagpalabas ng arrest warrant laban sa dating opisyal.
Ibinalik na rin ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu laban kay Ragos.
Magugunitang kahapon ng umaga, araw ng linggo nang sumuko sa NBI si Ragos na una nang nagbunyag sa aniya’y tinanggap na sampung (10) milyong piso ni Senador Leila de Lima mula sa kita sa operasyon sa iligal na droga sa NBP mula November 2012 hanggang January 2013.
Surrender feeler
Noon pa man ay desidido nang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Rafael Ragos.
Sa panayam ng DWIZ, inamin ni NBI Director Dante Gierran na kahit noong hindi pa naglalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regional Trial Court ay nagparating na ng ‘surrender feeler’ si Ragos na isa sa mga co-accused ni Senator Leila de Lima sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Wala namang ideya si Gierran kung kukuning state witness si Ragos na dati ring Deputy Director ng NBI.
“Ang may alam lang diyan ay ang ating prosecution, kahit anong gawin natin nasa police investigation lang po kami.”
By Judith Larino | Jelbert Perdez | Ratsada Balita (Interview)