Pinatatanggal ng DOJ o Department of Justice si dating Bureau of Corrections Officer in Charge Rafael Ragos bilang isa sa mga respondents sa kaso laban kay Senador Leila de Lima kaugnay sa iligal na droga.
Batay ito sa inihaing mosyon ng DOJ kay Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa RTC Branch 204 na nagerekomendang alisin si Ragos sa mga kakasuhan.
Paliwanag ng DOJ Prosecutor Panel, ang kanilang pasya ay bunsod ng pagsusumite ni Ragos ng mga karadagang salaysay kung saan kanyang idinetalye ang pinagmulan ng perang kanyang idineliver para kay De Lima.
Gayundin ang pagpasok ni Ragos sa Witness Protection Program ng DOJ.
Matatandaang, isa si Ragos sa humarap sa pagdinig ng Kamara de Reprentantes kaugnay ng illegal drug trade sa NBP at tumestigo laban kay De Lima kung saan kanyang sinabing tumanggap ang Senadora ng milyon milyong halaga mula sa mga drug lords.