Sunod-sunod ang raid na isinagawa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga establisyimentong hindi sumusunod sa tax laws and regulations ng bansa.
Sa Bulacan, ipinasara ng BIR ang mga bodega na naglalaman ng iba’t ibang produkto mula sa China tulad ng soya milk products.
Bahagi pa rin ito ng ‘Oplan Kandado’ program ng BIR kung saan target ng raid ang mga korporasyong hindi nagbabayad ng buwis.
Ayon sa BIR, hinihinala nilang smuggled ang mga produkto dahil hindi ito rehistrado sa BIR.
Iniimbentaryo pa ng BIr kung magkano ang buwis ng mga imported products na hindi nabayaran sa BIR.
‘Pogo restaurants’ sa Metro Manila ipinasara ng BIR
Pitong establisimiyento sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Kabilang sa mga ipinasara ang mga tinaguriang ‘Pogo restaurants’ o mga restaurants na ang customers ay mga empleyado ng Pogo firms.
Kabilang sa mga ipinasarang ‘Pogo restaurants’ ang Frame Rose Ranes Salisi sa ilalim ng trade name na Young Restaurant at Shinedeligo Corporation.
Ang dalawang ‘Pogo restaurants’ ay bigong magbayad ng tamang value added tax samantalang ang limang iba pa ay iligal ang operasyon dahil hindi rehistrado sa BIR.