Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga otoridad na i-raid ang mga bodega ng mga negosyanteng masasangkot sa hoarding ng face mask sa bansa.
Ang direktiba ng pangulo ay sa gitna na rin ng report na nagkakaubusan na ng face mask sa merkado matapos mag alburuto ang Bulkang Taal.
Sinabi ng pangulo na ayaw na ayaw niyang pinagsasamantalahan ng mga negosyante ang mga ordinaryong mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Kasabay nito, pinakilos ng pangulo ang Department of Health (DOH), mga pulis at sundalo na mamahagi ng libreng face mask sa mga residenteng apektado ng pagsabo ng Bulkang Taal.
Una nang inihayag ng pangulo na nais niyang makontrol ang presyo ng face mask matapos mapaulat ang triple nang presyo nito matapos ang pagsabog ng Taal Volcano. —ulat mula kay Jopel Pelenio